Pag
eexperimento ang nakita kong istilo na ginamit ni Ishmael Bernal sa tanyag na
pelikulang Nunal sa Tubig na nag tamo ng iba’t ibang papuri’t parangal. Noong
dekada 70, karamihan sa mga pelikula na pumapatok sa takilya ay ang mga bomba o
kaya’y aksyon. Marahil ang labis na pag kakaiba ng uri at tema ng Nunal sa
Tubig ang isa sa mga nagpahatak nito pataas. Malaking tulong na rin ang napaka
husay na pag ganap ng mga batikang actor na sina Elizabeth Oropesa, Daria
Ramirez at George Estregan.
Ang kwento ng Nunal sa Tubig ay umiikot sa
mabagal na takbo ng buhay ng mga taong naninirahan sa isang islang malayo sa
syudad. Makikita ang hirap na dinaranas ng bawat residente at ang kakulangan
nila sa edukasyon at etiko. Gayumpaman, nagagawa parin nilang manirahan ng
matiwasay. Minsan, kahit pa may mga nag aabot sa kanila ng tulong mula sa
syudad, mas pinipili parin ng karamihan sa mga residente ang manatili sa
kanilang isla. Ang mga mukha ng buhay, hirap at kamatayan ang masisilayan sa
pelikulang ito.
No comments:
Post a Comment