Wednesday, October 10, 2012

Hagupit ni Habagat


    Akala mo’y may bomba kung kumulog, akala mo’y may bumabagsak na yelo sa  bubungan kung umulan. Alasinco ng madaling araw ako’y mahimbing na parang sanggol pang natutulog dahil sa lamig ng panahon ng biglang sumigaw ang aking ama “Yssa let’s go! Pack your things!” Tuliro at dali-dali akong tumayo at parang umiikot pa ang aking mundo dahil sa biglang pag bangon. Umaapaw na pala at rumaragasa na parang mga kabayong pinakawalan ang tubig sa aming creek. Nawala agad ang aking antok at napalitan ito ng takot na parang karayom na gumgujit sa aking katawan. Mabilis kong inimpake ang aking mga damit at iba pang mga importanteng kagamitan sa backpag na ginagamit ko pang eskwela. Mabilis din kaming nag bihis at nag sipilyo na lamang. Pag bukas ko ng aming gate, kitang kita ko ang mablis na pag daloy ng kulay putik na baha sa aming sabdibisiyon. Ang buong pamilya ko ay lumusong at naramdaman ko pa nga ang pag pasok ng tubig baha sa akihng sapatos maging ang sa ibabang banda aking pantaloon. Lalo akong gininaw at nabahala sa baha na hangang binti palang naman ngunit may posibilidad pang tumaas.

    Dahil sa takot ng aking mga magulang, minabuti na naming lumikas na muna. Na-trauma na kasi kami sa kalamidad na nangyari noong Ondoy. Kakaiba ang takot na naramdaman namin noon kaya naman tuwing umuulan ng malakas, parang nababalik sa aming isipan ang lahat ng mga masaklap na pangyayari. Umalis man kami sa aming tirahan noong bumubuhos ang ulan ni Habagat, hindi namin alam kung saan kami makikituloy. Habang nasa loob ng kotse, nag mamasid ako sa aking paligid. Baha lahat. Baha kahit saan. Mabagal ang aming takbo sapagkat lubog na ang halos kalahati ng aming gulong. Kinalaunan, nakahanap din kami ng matututluyan at iyon ay sa bahay ng aking tita. Labis ang aming pasasalamat sa kanyang panandaliang pag kupkop sa amin dahil kulang nalang ay mag mukha kaming mga basang sisiw. Grabe talaga ang hagupit ni Habagat sa ating bansa. Isa-isa nitong hinampas ang bawat Filipino at tiyak na nag iwan ito ng marka.

No comments:

Post a Comment