Tuesday, October 9, 2012

Musika: Noon at Ngayon


     Nahilig na ako sa musika nung ako ay mga nasa ika-6 na baiting pa lamang. Kapag nag papahinga ako o walang magawa, naging libangan ko na ang pakikinig sa iba’t ibang banda. Dahil sa hilig ko sa musika, paminsan nagiging kritiko na rin ako nito. Sa dalas kong making at mag download ng mga kanta, halos nasubaybayan ko na ang pag evolve pati ang pag luma ng mga kanta sa industriya ng musika. Kaya para sakin, masasabi kong hindi na ganun kaganda ang wikang ginagamit ngayon sa karamihan ng mga bagong kanta.

      Sa aking paniniwala, kahit naman siguro hindi mo hilig ang musika, mapapansin mo ang pagkakaiba ng mga kanta nuong 80s o 90s sa mga kanta ngayong dekada.  Di hamak na mas maganda ang wikang ginamit sa mga kanta nuon. Bagama’t nalilibang parin naman ako sa mga tugtog ngayon sa radio, hindi ko gaanong nagugustuhan ang paraan ng pag gamit nila ng wika. Kung hindi kasi mababaw ang nilalaman ng kanta, paulit-ulit lang ang mga salita o lyrics. Mas pinagtutuunan kasi ng pansin ang beat ng kanta kesa sa lyrics nito. Halos lahat ay napapasayaw kapag naring ang “Teach me how to Dougie” pero may magandang mensahe ba ang kantang ito? Mas may saysay pa ang mga kanta dati at mas mainam na naipaparating sa mga tao ang mensahe nito. “Kailangan kita, ngayon at kalianman. Kailangan mong malaman na ikaw lamang ang tunay kong minamahal. Ang lagi kong dinarasal.” Sana mas dumami pa ang mga ganitong klaseng kanta.

      Sa dahilan na sadyang mahilig talaga ako sa musika, tinatangkilik ko ang lahat ng bagong kanta na pumapasok o sumisikat ngayon. Ang akin lang naman, ayoko sanang mawala ang kahalagahan ng wika sa mga kanta. Naiintindihan ko na iba’t iba ang tipong tunog o kanta ng tao. Pero ang importante naman sakin yung mensahe ng kanta na magiging makabuluhan lamang kung matinong wika ang gagamitin. Kaya tawagin man akong korny o makaluma, mas gugustuhin ko paring making sa mga kantang mas matanda pa sa akin.

No comments:

Post a Comment