Taong 1989 nang mag simula ang storya nina Rey at Alita. Uso
pa noon ang mga disco bars kung saan tumutugtog ang mga banda na kung tawagin
pa noon ay combo, at nag sasayawan ang mga tao. Isang gabi, sa kahabaan ng
Quezon Avenue, nag kakilala ang dalawa sa Heartbeat disco. Pareho silang
inimbita ng kani-kanilang mga kaibigan na nagkatao’y nsa iisang banda lang
pala. Madalas pala talaga, diyan nag sisimula
ang lahat, sa common friends. Alas-onse ng gabi ng matapos ang party at walang
masasakyan si Alita pauwi. Syempre dahil
natipuhan ni Rey si Alita, inalok niya ito na ihatid sa kanyang tahanan. Ayon sa
karamihan, doon na daw nag simula ang lahat.
Ang relasyon ng
dalawa ay hindi naging madali. Sa loob ng apat na taon nilang magka relasyon,
apat na beses din silang nag split. Oo, split pa daw ang ginagamit na salita
noon at hindi “break”. Balik sa kwento, marami kasi silang pinagdaanang mga pagsubok. Pinaka
mahirap na siguro yung long-distance relationship na kinailangan nilang tahakin
dahil pumunta si Alita sa States noong 1991. Tandaan niyo, wala pang facebook o
twitter noon. Kaya old school, nagsusulatan talaga sila. Nakakabilib na
nalagpsan nila yon kahit nag bebreak, ay nag ssplit pala sila noon. Siguro doon
mo masususkat kung gaano mo kamahal ang isang tao. Pag naghihiwalay kasi sila
iniisip nalang ni Rey na kung kayo, kayo talaga. Magkaka ayos kung magkaka
ayos. Si Alita namana, sabi ni Rey nakaka asar daw siya kapag nag ssplit sila
lagi niyang sinasabi “See you around!” napaka sarcastic daw. Mga babae nga
naman. Pero kahit pa nag kakaganun, sila parin ang nagkatuluyan. Taong 1993
nang sila’s ikinasal sa isa’t isa. Pinili nila ang araw ng Agosto 28 para sa
araw ng kanilang kasal dahil ito rin ang kaarawan ng ama ni Alita. Sa kasalukuayn,
meron na silang dalawang anak, isang babae at isang lalake. Nag aaway parin
sila pero gaya nga ng sabi ko, kahit ganun, bumabalik parin sila sa isa’t isa. Siguro
nga, sila talaga.
No comments:
Post a Comment