Thursday, October 11, 2012

“See you around” ..the altar


    Taong 1989 nang mag simula ang storya nina Rey at Alita. Uso pa noon ang mga disco bars kung saan tumutugtog ang mga banda na kung tawagin pa noon ay combo, at nag sasayawan ang mga tao. Isang gabi, sa kahabaan ng Quezon Avenue, nag kakilala ang dalawa sa Heartbeat disco. Pareho silang inimbita ng kani-kanilang mga kaibigan na nagkatao’y nsa iisang banda lang pala. Madalas pala talaga, diyan nag  sisimula ang lahat, sa common friends. Alas-onse ng gabi ng matapos ang party at walang masasakyan si Alita  pauwi. Syempre dahil natipuhan ni Rey si Alita, inalok niya ito na ihatid sa kanyang tahanan. Ayon sa karamihan, doon na daw nag simula ang lahat.

    Ang relasyon ng dalawa ay hindi naging madali. Sa loob ng apat na taon nilang magka relasyon, apat na beses din silang nag split. Oo, split pa daw ang ginagamit na salita noon at hindi “break”.  Balik sa kwento,  marami kasi silang pinagdaanang mga pagsubok. Pinaka mahirap na siguro yung long-distance relationship na kinailangan nilang tahakin dahil pumunta si Alita sa States noong 1991. Tandaan niyo, wala pang facebook o twitter noon. Kaya old school, nagsusulatan talaga sila. Nakakabilib na nalagpsan nila yon kahit nag bebreak, ay nag ssplit pala sila noon. Siguro doon mo masususkat kung gaano mo kamahal ang isang tao. Pag naghihiwalay kasi sila iniisip nalang ni Rey na kung kayo, kayo talaga. Magkaka ayos kung magkaka ayos. Si Alita namana, sabi ni Rey nakaka asar daw siya kapag nag ssplit sila lagi niyang sinasabi “See you around!” napaka sarcastic daw. Mga babae nga naman. Pero kahit pa nag kakaganun, sila parin ang nagkatuluyan. Taong 1993 nang sila’s ikinasal sa isa’t isa. Pinili nila ang araw ng Agosto 28 para sa araw ng kanilang kasal dahil ito rin ang kaarawan ng ama ni Alita. Sa kasalukuayn, meron na silang dalawang anak, isang babae at isang lalake. Nag aaway parin sila pero gaya nga ng sabi ko, kahit ganun, bumabalik parin sila sa isa’t isa. Siguro nga, sila talaga.

Wednesday, October 10, 2012

Hagupit ni Habagat


    Akala mo’y may bomba kung kumulog, akala mo’y may bumabagsak na yelo sa  bubungan kung umulan. Alasinco ng madaling araw ako’y mahimbing na parang sanggol pang natutulog dahil sa lamig ng panahon ng biglang sumigaw ang aking ama “Yssa let’s go! Pack your things!” Tuliro at dali-dali akong tumayo at parang umiikot pa ang aking mundo dahil sa biglang pag bangon. Umaapaw na pala at rumaragasa na parang mga kabayong pinakawalan ang tubig sa aming creek. Nawala agad ang aking antok at napalitan ito ng takot na parang karayom na gumgujit sa aking katawan. Mabilis kong inimpake ang aking mga damit at iba pang mga importanteng kagamitan sa backpag na ginagamit ko pang eskwela. Mabilis din kaming nag bihis at nag sipilyo na lamang. Pag bukas ko ng aming gate, kitang kita ko ang mablis na pag daloy ng kulay putik na baha sa aming sabdibisiyon. Ang buong pamilya ko ay lumusong at naramdaman ko pa nga ang pag pasok ng tubig baha sa akihng sapatos maging ang sa ibabang banda aking pantaloon. Lalo akong gininaw at nabahala sa baha na hangang binti palang naman ngunit may posibilidad pang tumaas.

    Dahil sa takot ng aking mga magulang, minabuti na naming lumikas na muna. Na-trauma na kasi kami sa kalamidad na nangyari noong Ondoy. Kakaiba ang takot na naramdaman namin noon kaya naman tuwing umuulan ng malakas, parang nababalik sa aming isipan ang lahat ng mga masaklap na pangyayari. Umalis man kami sa aming tirahan noong bumubuhos ang ulan ni Habagat, hindi namin alam kung saan kami makikituloy. Habang nasa loob ng kotse, nag mamasid ako sa aking paligid. Baha lahat. Baha kahit saan. Mabagal ang aming takbo sapagkat lubog na ang halos kalahati ng aming gulong. Kinalaunan, nakahanap din kami ng matututluyan at iyon ay sa bahay ng aking tita. Labis ang aming pasasalamat sa kanyang panandaliang pag kupkop sa amin dahil kulang nalang ay mag mukha kaming mga basang sisiw. Grabe talaga ang hagupit ni Habagat sa ating bansa. Isa-isa nitong hinampas ang bawat Filipino at tiyak na nag iwan ito ng marka.

Tuesday, October 9, 2012

Musika: Noon at Ngayon


     Nahilig na ako sa musika nung ako ay mga nasa ika-6 na baiting pa lamang. Kapag nag papahinga ako o walang magawa, naging libangan ko na ang pakikinig sa iba’t ibang banda. Dahil sa hilig ko sa musika, paminsan nagiging kritiko na rin ako nito. Sa dalas kong making at mag download ng mga kanta, halos nasubaybayan ko na ang pag evolve pati ang pag luma ng mga kanta sa industriya ng musika. Kaya para sakin, masasabi kong hindi na ganun kaganda ang wikang ginagamit ngayon sa karamihan ng mga bagong kanta.

      Sa aking paniniwala, kahit naman siguro hindi mo hilig ang musika, mapapansin mo ang pagkakaiba ng mga kanta nuong 80s o 90s sa mga kanta ngayong dekada.  Di hamak na mas maganda ang wikang ginamit sa mga kanta nuon. Bagama’t nalilibang parin naman ako sa mga tugtog ngayon sa radio, hindi ko gaanong nagugustuhan ang paraan ng pag gamit nila ng wika. Kung hindi kasi mababaw ang nilalaman ng kanta, paulit-ulit lang ang mga salita o lyrics. Mas pinagtutuunan kasi ng pansin ang beat ng kanta kesa sa lyrics nito. Halos lahat ay napapasayaw kapag naring ang “Teach me how to Dougie” pero may magandang mensahe ba ang kantang ito? Mas may saysay pa ang mga kanta dati at mas mainam na naipaparating sa mga tao ang mensahe nito. “Kailangan kita, ngayon at kalianman. Kailangan mong malaman na ikaw lamang ang tunay kong minamahal. Ang lagi kong dinarasal.” Sana mas dumami pa ang mga ganitong klaseng kanta.

      Sa dahilan na sadyang mahilig talaga ako sa musika, tinatangkilik ko ang lahat ng bagong kanta na pumapasok o sumisikat ngayon. Ang akin lang naman, ayoko sanang mawala ang kahalagahan ng wika sa mga kanta. Naiintindihan ko na iba’t iba ang tipong tunog o kanta ng tao. Pero ang importante naman sakin yung mensahe ng kanta na magiging makabuluhan lamang kung matinong wika ang gagamitin. Kaya tawagin man akong korny o makaluma, mas gugustuhin ko paring making sa mga kantang mas matanda pa sa akin.

Monday, October 8, 2012

Sinematograpiya at Disenyong Biswal ng Pelikulang: Nunal sa Tubig


       Pag eexperimento ang nakita kong istilo na ginamit ni Ishmael Bernal sa tanyag na pelikulang Nunal sa Tubig na nag tamo ng iba’t ibang papuri’t parangal. Noong dekada 70, karamihan sa mga pelikula na pumapatok sa takilya ay ang mga bomba o kaya’y aksyon. Marahil ang labis na pag kakaiba ng uri at tema ng Nunal sa Tubig ang isa sa mga nagpahatak nito pataas. Malaking tulong na rin ang napaka husay na pag ganap ng mga batikang actor na sina Elizabeth Oropesa, Daria Ramirez at George Estregan.

       Ang kwento ng Nunal sa Tubig ay umiikot sa mabagal na takbo ng buhay ng mga taong naninirahan sa isang islang malayo sa syudad. Makikita ang hirap na dinaranas ng bawat residente at ang kakulangan nila sa edukasyon at etiko. Gayumpaman, nagagawa parin nilang manirahan ng matiwasay. Minsan, kahit pa may mga nag aabot sa kanila ng tulong mula sa syudad, mas pinipili parin ng karamihan sa mga residente ang manatili sa kanilang isla. Ang mga mukha ng buhay, hirap at kamatayan ang masisilayan sa pelikulang ito. 

Respeto. Hindi awa.



     Midnight appointee, NBN-ZTE deal, corrupt, hello Garci at Cha-cha. Ilan lamang ito sa mga salitang nali-link sa dating presidente na ngayon’y congresswoman ng Pampanga na si Gloria Macapagal-Arroyo. Marahil siya nga’y may mga taga suporta, ngunit kapansin-pansin ang dami ng mga taong may ayaw sa kaniya.

    Noong mga naraaang buwan, ang dating pangulo ay nalagay sa kritikal na kundisyon dahil sa kanyang karamdaman. Kinailangan siyang ipagamot at manitili sa ospital upang suriin ng mga duktor. Karamihan sa mga pinoy sinasabing karma daw ito sa lahat ng kabalastugang nagawa ni GMA. Karma? Hindi ba pwedeng nagkasakit lang talaga yung tao? Hindi sa pinapanigan ko siya dahil alam kong may mga krimen siyang hindi maaring takasan, ngunit ang pangangatwiran ko lamang ay respeto naman sana sa tao.

    Maraming Filipino rin ang nagtataka kuing bakit daw binibigyan pa ng “Special treatment” si GMA sa loob ng ospital. Marami ang nag rarally habang siya ay ginagamot. Bakit? Sino ba itong may karamdaman? Dating presidente siya ng ating bansa. Nararapat lang na siya ay bigyan ng special treatment habang siya ay naka house arrest sa ospital. Hindi naman kasi siya kung sino sino lang na may sakit kahit pa siya ay may mga krimeng nagawa. Dapat sana tandaan manlang natin na nuong si Gloria ang presidente, hindi bumagsak ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa kanyang talino at mga estartehiya.